Kinalap kong muli ang mga larawan
At nilunod ang paningin sa iyong mukha
Hinanap kong muli ang mga kanta
At pinakinggang paulit-ulit ang mga salitang
Aking minsan nang inamin
Binato sa iyong harapan
Upang iyong malaman
Ang tunay kong nararamdaman.
Sinubukang buuin ang mga hakbang
Ng sayaw na nalimot ko na yatang gawin
At ngayo’y isinatula ang mga salita
Magagawa kaya nang maganda?
Binigkas ng bibig ang pagbitaw
Upang maging tapat na walang aasahan
At nanatili sa pangakong walang magbabago
Balik sa dati para sa ikabubuti ng lahat
Ngunit hindi ko magawang ikaw ay kalimutan
Sinuman ang dumating ay hindi mapalitan
Ang puso ko’y ikaw pa rin ang pinagsisigawan
Ano pa bang magagawa kundi ito’y hayaan
Anuman ang kahinatnan
Na naman…
Hunyo 24, 2011
No comments:
Post a Comment