Naalala mo ang langit na walang bituin
At tubig na walang tigil sa pagkalawkaw,
Ang gabi kung kalian pinasikat mo ang araw
Mula sa iyong dibdib
Nasalamin sa tubig ang sinag nito
Ngunit tila yata hindi nasilayan ng mga
Matang hindi mo matingnan nang tuwid
At lumipas ang apat na pag-agos ng kalendaryo
Tubig ay natuyo,
Ang sinag ay nagdilim
Hindi na nagpakita’ng mga bituin
Ang mga matang hindi mo matingnan
Ay hindi na nga nangislap sa ‘yong harapan,
Dahil sa ano? Hindi mo alam.
Sapagkat wala.
Wala naman talaga.
Krizelle R. Talladen
Hunyo 16, 2011
0 comments:
Post a Comment