Tuesday, June 21, 2011

Ang Palanca ni Kuya

Naisipan kong maglipat ng ilang mahahalagang email mula sa luma patungo sa bago kong email adres. Isa sa mga kinagulat ng aking alaala ay nang matagpuan ko ang mensaheng ito mula sa isa sa mga kaibigan ko noong hayskul. Naglalaman ang mensaheng ito ng kanyang ginawang palanca para sa aking retreat noong ikaapat na taon ko sa hayskul. Nais kong ibahagi ang nilalaman nito sapagkat sadyang kay rami kong namimiss na tao at isa na siya sa mga ito. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita at hinihiling ko na sana, kahit magkabanggan man lamang kami sa daan. Hehe. Hindi ko na babanggitin ang kanyang pangalan at wala na rin akong babaguhin sa orihinal niyang isinulat. Narito ang nasabing palanca:


Hello Ate Kring… Hehe… Wala akong masabi haha… :) Pero I just want you to know that K-R-I-N-G for me stands for K-aibigan, R-espeto, I-law… (HAHA), N-ice, at G-arapata… hindi joke lang G-aling. . . hehe… Syempre aside pa dun sa kalanting ng telepono… hehe… labo ba? Kasi gusto ko lang na malaman mo na napakabuti mong kaibigan… Marahil marami na akong atraso sau pero di mo ako kinagagalitan. . . Sa paglipas ng maraming taong namamasdan… Ikaw ay nandyan… Umaalalay kahit kailan… haha nagrhyme wow… Sana hindi ka magbago na maging isang mabuting kaibigan… Sukob na… Konti na lang at aandar na ang ating jeepney… hehe … at sa pag-andar ng ating sasakyan ay magkakasama tau… Tayo ay lulan ng ating tagumpay…. Hehe… Wala akong magawa… Buti na lang may ginagawa akong palanca para sau… hehe J Sana makamit natin ang ating mga pangarap… hehe… kaya natin to… Sana sa retreat mo ay makita mo si Lord ng mas malinaw… at wag mo lang kalilimutan na nandyan lang siya… Lagi mong katabi dahil di ka niya pinababayaan… HAHA … Ate Kring… Kung may mga problema ka lang basta wag kang mahihiyang lapitan kaming mga kaibigan mo… Lalong lalo na si Papa Jesus hehe J Wait lang… Kamusta naman ACET? Masaya ba? Hehe… ang layo eh no… Oo nga pala… kung sakaling may mga problema… wag mong kalilimutan na kaya mo yan at may magandang susunod dyan… Syempre mapapakanta ka ng “This could be the start of something new…” hehe… Syempre sinabi ko marami na akong atraso sau… Saka marami na rin akong nagawang kasalanan… Gusto kong sabihin na …………. HAPPY BIRTHDAY!!! Hehhe hindi joke lang… sorry nga pala kung minsan inaasar kita… alam mo naman na joke lang un eh… di naman nating kailangang seryosohin hehe… basta sorry sa mga kasalanan ko… Bendesyunan mo po ako dahil ako’y nagkasala… hehe… Ano ba 2… ang dami kong sinasabi…. Haha… Balikan natin Ate ung KRING… ung K dahil napakabuti mong kaibigan… ung R… dahil binibigyan mo kami ng respeto… sana kami rin ay nakapagbibigay sau… hehe ung I mamaya na … di ko rin alam kung bakit ilaw eh… Pero alam ko lang… natutulungan mo kaming makita ang liwanag sa buhay… hehe… ayun na!... haha tapos ung N ay nice… ang galing eh no biglang naging English… hehe kasi totoo naman eh… na napakabait mo sa amin… hehe at ung G na garapata este galing …. Dahil napakagaling mo… sa iba ibang bagay… napakarami nga ata eh magkukulang pa ung isang papel na 2… hehe at syempre wag kakalimutan at tunog na KRING ng telepono na para sa akin ay nangangahulugang… laging kapiling at laging nandyan para sa kanyang mga kaibigan… hehe… Maaaring isipin mong bola itong mga sinasabi mo dahil medyo may pagka-loko-loko ako… hehe… pero totoo ang mga ito ate… Wow Galing… Hehe… napakaseryoso mo naman ata… tawa naman tau dyan hehe … la na kong masabi ah… pero patuloy pa rin ako sa pag-type… di ko alam…. Di ko ata mapigilan eh… hehe… sabihin ko na lang advance All Saint’s Day at All Soul’s Day at Merry Christmas and Happy New Year na rin cguro… hehe… “We’re breaking free!!! We’re soaring, flying… There’s not a star in heaven that we can’t reach!...” Gaya nung sabi nung kanta… Matutupad natin ang ating mga pangarap kung magsisikap tau… hehe… Cguro tinatamad ka nang magbasa no? hehe… :) inaantok ka na ba? Pwes matulog ka na… hehe joke :) kaw bahala… haha… Cge cguro hanggang dito na lang… Mahaba na ito ha… Basta wag mo lang kalilimutan mga sinabi ko… Lalong-lalo na nandyan lagi si God sa tabi natin… hehe…


P.S. Ate Kring palibre!!!... hehe joke lang… oo na pagong… hehe


Linggo, Setyembre 24, 2006

No comments:

Post a Comment