Sunday, March 27, 2011

SALAMAT. THANK YOU. AGYAMANAK. GRACIAS. MIRIAM COLLEGE PATUNGO SA MUNDO.


Dahil ako'y nagtapos na sa kolehiyo, marapat lamang na ipahayag ko rin sa pamamagitan ng post na ito ang aking sariling mensahe ng pagtatapos.

Unang-una sa lahat, maraming salamat sa Diyos dahil Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Tunay ngang ang plano Niya ang pinaka-the best. May mga plano akong hindi Niya pinahintulot at nagpapasalamat ako dahil ngayon ko napagtanto kung gaano nakatulong sa akin ang kanyang mga napiling mangyari sa buhay ko. Sa aking pagsuong sa mas malaking mundo, alam kong hindi Siya titigil upang patuloy akong gabayan. Panginoon, salamat po sa lahat!

Sunod kong nais pasalamatan ang lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko sa Miriam College. Salamat sa Tulong-Dunong Scholarship Program at sa Miriam Collge Financial Aid na siyang mga pangunahing dahilan upang makamit ko ang mataas na antas ng edukasyon sa pinagmamalaki kong Miriam College, ang aking Alma Mater. Salamat sa lahat ng mga naging propesor ko mula una hanggang ikaapat na taon. Nagpapasalamat ako dahil kahit ano'ng mangyari, LAHAT sila'y may naidulot na kaalaman at aral na nakadagdag sa aking paglaki. Maraming salamat, mga mahal kong propesor! Salamat din sa Departamento ng Komunikasyon, sa Kolehiyo ng Arts and Sciences, sa Kolehiyo ng Edukasyon, sa Center for Peace Education, sa Administrative Services Office, at sa College Guildance Center. Sa buong Miriam College, kayo'y nakatulong nang malaki sa akin. Maraming maraming salamat po!

Sa Communication Section 3 at Section 5 at sa lahat ng mga naging kaklase ko sa apat na taon ko sa kolehiyo, maraming salamat sa lahat ng mga alaala! Sa mga nabuong barkada ko: sa MC Keidi at sa Marekois, maraming salamat sa inyo, mga bruha! Alam kong hindi dito magtatapos ang lahat! Mahal ko kayo! Muwah!

Sa mga organisasyong kinabilangan ko sa Miriam at sa lahat ng naging officers at kamiyembro ko rito: sa Communication Arts and Advertising Society (CAASOC) na naging Communication Society (CommSoc), sa Talitha Cumi (dinadalangin kong lagi nating tatandaan ang ating motto: RISE UP, LITTLE GIRL!), sa Philosophy Society, Humanities Club, Cillo Society, sa apat na councils, at sa Sanggunian ng Mag-aaral ng Miriam. Maraming salamat sa inyo! Salamat nga pala sa Sanggu para sa baller. Malugod kong isusuot ito kahit ako'y nagtatrabaho na. :)

Isang espesyal na pasasalamat sa C*CATT Street at sa Orange Dance Studio sa paghubog sa akin upang maging mahusay na dancer, events coordinator at organizer, at pinuno ng grupo. Salamat sa mga kabatch ko sa grupo: kina Lyane, Marge, at Micha at sa mga maiiwan naming miyembro. Inyong ipagpatuloy ang pamana ng C*CATT Street! Go, C*CATT!!! Salamat din sa mga alumni na walang sawa sa pagsuporta at lalo na kay Nay Jen at kay Tay Dex na nagsilbing mga magulang ng grupo. Salamat din sa LAHAT ng aking mga nakasama sa Orange Dance Studio! Kay rami n'yo, di ko na kayo isa-isahin! Hehe. Salamat nang sobra! Salamat din kina Gng. Lynda Garcia at sa ADSA ng Miriam College sa paniniwala sa kakayahan ng C*CATT Street. Maraming salamat sa inyong lahat!!! Patuloy kong babalikan ang dance floor at papatibukin ang pusong aking iniwan doon dala-dala ang mga alaala ko kasama kayo. Hanggang sa muli, C*CATT Street at ODS! Hanggang sa muli!

Alam ng lahat na noon pa man maliban sa pagsasayaw, kakambal ko na ang papel at panulat. Salamat sa mga naging gabay ko sa pagsusulat sa kolehiyo: kay Sir Joel Toledo, Ms. Lorna Billanes, Ms. Rachelle Dizon-Rodulfo, Ms. Debbie Tan, Ms. Cathy Guballa, Ms. Michelle Gadja, Ms. Ava Gonzales, at kay Sir Jonah Lim. Nais ko ring pasalamatan sina Kuya Jopaw Villarosa at Kuya KC Ramos na naging mga guro ko rin sa Ingles at hanggang ngayon ay patuloy ang pagsuporta sa aking mga gawain. Maraming salamat po sa inyong lahat!

Sa mga nakasama ko sa Ondine (Theater) at sa Kapatid (Film), salamat! Hinding-hindi ko makakalimutan si Hans, si Becca, si Reina, si Tom, at si Zeny. Maraming salamat!!!

Salamat din sa mga hindi nakakalimot na Tablemates, TD Gang, at mga kabatch ko sa MCS, MES, at sa St.Scho Marikina! Nawa'y kahit palawak na nang palawak ang ating mundo, hindi pa rin natin makalimutan ang pagkakaibigang ating nabuo. Maraming salamat sa lahat ng alalala!!

Tunay ngang ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan, kaya naman, hindi ko hahayaang matapos ang post na ito nang hindi pinasasalamatan ang aking pamilyang tulad ko ay mga babaeng empowered. Kay Lola Tuning, kay Mama, kay Ate May, at kay Keren, maraming salamat sa pagpapadama sa akin na ako nga'y may tunay pa ring tahanan sa kabila ng lahat ng tahanang aking natagpuan sa buhay. Salamat sa pagbibigay sa akin ng gamilyong pagkakataon sa tuwing ako'y may pagkakamali. Salamat sa pagmamahal at sa pagiging nariyan kapag wala na ang lahat. Ang aking pagtatapos ay para sa inyo at para sa ating busilak na hinaharap. Mahal na mahal ko kayo! Lola, hanggang sa muli po nating pagkikita!

Sa nag-iisang tinik sa hilera ng mga rosas, salamat po! Anuman ang mangyari, wala ka pa rin pong kapalit. Maghihilom din ang mga sugat pagdating ng tamang panahon. Hanggang sa muli po nating pagkikita.

Nais ko ring pasalamatan ang aking mga kamag-anak na walang sawa rin ang suporta sa akin at sa aking pamilya. Salamat kay Uncle Levy na siyang pumayag na ipag-drive kami sa araw ng pagtatapos kahit gaano kabagal ang traffic at kahit biglaan lang din namin siyang nasabihan. Salamat ulit, Uncle. Pagupit ka na, please? Hahaha! Biro lang!

Hindi matutumbasan ng kahit anong medalya o masigabong handaan ang abut-abot na biyayang aking natanggap sa pag-agos ng mga panahon. Ang mga alaalang babaunin ko sa aking pagharap sa mundo na mula sa lahat ng mga taong nakasama at nakatuwang ko ay higit pang regalo at inspirasyon sa aking pagtatapos. Sa lahat ng aking nabanggit, MARAMING SALAMAT! THANK YOU! AGYAMANAK! GRACIAS! Sa mga hindi ko na nabanggit sa post na ito, paumanhin. Inyo sanang tandaan na sa malaki o maliit mang bagay na inyong naidulot sa akin, kahit sandali lang kayong napadaan sa buhay ko, nagpapasalamat pa rin ako! SALAMAT MULA SA KAIBUTURAN NG AKING PUSO!!!

Pagpalain nawa tayo lahat ng Diyos at tulad ko, mapuno nawa ang ating mga buhay ng inspirasyon. Muli, maraming salamat! Salamat, Miriam College! Paalam! Hanggang sa muli! :D

"Para sa 'yo ako'y lalaban... Ako'y lalaban...
Ang awiting ito'y para sa iyo
At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko,
SALAMAT... SALAMAT..."

"Gave me strength when I had none at all
Gave me hope when I was running low
Showed me how to make it through and
For everything, you know I thank you

You believed when I'd no reason to
You were there when I needed you...
You believed when I had given up
Carried me and I was lifted up...

And I'm still standing here,
I JUST WANNA THANK YOU..."

Krizelle Ripani Talladen
Miriam College Batch 2011
BA Communication

March 27, 2011

1 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete